‘New Year’s Resolution’

Bagong Taon, uso na naman ang “New Year’s Resolution”. Ano nga ba ang magandang gawing pagbabago sa iyong buhay sa pagpasok ng 2015?  Narito ang ilang paraan:

Uminom ng tea – Matapos ang  ilang buwan o linggo na puro pagkain ang iyong inatupag, dapat mong tunawin ang mga bad cholesterol sa iyong katawan sa pamamagitan ng pag-inom mo ng “tea”. Sa pag-aaral, nadiskubre na ang mga kinain mo sa nagdaang holidays ay nananatili sa iyong katawan ng 12-buwan , kaya hindi ka dapat magtaka bakit patuloy ang iyong pagtaba. Para ito ay mabago, dapat mong tunawin ang mga taba sa iyong katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tea.

Mag-aral – Kung sa pakiramdam mo ikaw ay nakakahon na at tila walang progreso ang iyong buhay, mas makakabuti na muling mag-aral o kaya ay bumili ng libro para mapaunlad ang iyong sarili.

Mag-ipon – Mas mabuti kung hindi lang ikaw ang tumataba, dapat mo rin patabain ang iyong bank account o ipon sa bangko. Mahusay na New Year’s resolution ang pag-iipon dahil pagdating muli ng holiday ay hindi ka na mahihirapan pang humugot ng perang pambili ng regalo sa iyong mga mahal sa buhay.

Mamasyal – Matapos ang holiday na medyo nakaramdam ka rin naman ng stress. Mas makakabuti sa’yo na magbakasyon ng kahit kaunti sa ibang lugar. Mabuti rin ito para ma-break ang mga pangkaraniwang bagay na ginagawa mo sa buhay.

 

Show comments