(Part 2)
Una sa lahat, ang ating atay ang sumasala sa ating dugo na nanggagaling sa ating digestive tract, metabolizing nutrients, mga gamot, alak at iba pang bagay na ating nakukunsumo at tumutulong sa pagtanggal ng mga bagay na nagiging lason sa ating katawan.
Ito rin ang gumagawa ng protina at naglalabas ng apdo upang tunawin ang mga taba at tanggalin ang bibirubin, ang mapanganib na likido na nabubuo sa pamamagitan ng pagkasira ng red blood cell sa ating dugo.
Bakit Kailangan ng Tulong ang Ating Atay?
Ang ating atay ang responsable sa pagpoproseso ng lahat ng ating kinukunsumo katulad ng protina, fat o carbohydrate na ginagawang glucose na nagiging enerhiya ng ating katawan. Ang ating atay ay isang impresibong gamit sa pagsala sa lahat ng toxins sa ating katawan katulad ng pesticides, hormones, food additives, alcohol, mga gamot na ating iniinom, at mga microorganism.
Binabawasan ng ating atay ang panganib ng mga bagay na nagiging lason sa ating katawan at tinitiyak na matatanggal ito sa ating buong katawan. Pero hindi lahat ng toxins ay nailalabas o natatanggal ng ating atay ang iba ay naiiwan sa ilang liver cell na pinagmumulan ng pagkasira ng ating atay at kalusugan. Sa ganitong kalagayan kailangan ng ating atay ng tulong upang maging malusog.
Ang mga pagkain na ating kinakain, gamot na iniinom, mga inumin na kinukunsumo ang lahat ng ito ay panganib sa ating atay, ngunit kung tutulungan natin ang ating atay sa lahat ng kanyang gawain ay maiiwasan natin ang pagkasira nito.