Halo-halong feng shui tips (2)

Iwasang gumamit ng higaang double deck sa mga bata. Kawawa ang hihiga sa ilalim. Symbolically, “dinadala” niya ang bigat ng nakahiga sa itaas at iyon ay isang uri ng poison arrow. Ang katumbas ng Feng Shui violation nito ay higaang nakatapat sa beam ng kisame.

Sa pangkalahatan, mainam na ilagay sa West ang children’s bedroom.

Ang main door ay dapat na “paloob” ng bahay ang direksiyon kapag binuksan.

Ang carp fish figurine ay pampasuwerte sa career.

Ang pares ng bird figurine ay para sa relationship luck.

Ang rabbit figurine na may kasamang mga anak ay nagdudulot ng  pagiging malikhain. Good for fashion designers, artists, writer, actors, film directors, etc.

Ang Rat figurine na may coins ay nagdudulot ng wealth luck.

Show comments