Marami ang natatakot na kumain ng mga pagkaing matataas ang fats dahil sa pangambang tumaba o tumaas ang timbang. Pero, hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na kailangan ng katawan ang fats dahil maraming benepisyo ang fats sa katawan ng tao. Narito ang ilang bentahe na naibibigay ng fats:
Mas maayos na pangangatawan – Ang pagkakaroon ng tamang lebel ng calories mula sa fat ay nagbibigay ng mas magandang pangangatawan dahil mas pinatitibay nito ang mga cells sa labas na bahagi ng iyong katawan. Kung babawasan ang mga pagkaing mababa ang carbohydrates at papalitan ito ng calories mula sa fats, mas magiging maganda ang insulin level ng katawan at bababa ang posibilidad na magkaroon ng anumang pamamaga dito. Isa sa magandang pagkunan ng fats ay ang Omega-3 fatty acid na siyang sumusuporta sa thyroid hormone ng katawan. Ang mababang thyroid hormone ay karaniwang dahilan kaya tumataba ang isang tao.
Ang cholesterol na mula sa fat ay nakakatulong din naman upang magkaroon ng maayos na bilang ng hormones. Ang pagkain ng tamang dami ng cholesterol ay nakakatulong para mabalanse ang testosterone at estrogen ng katawan. Ang healthy fats ay makakatulong na alisin ang mga bad fats sa iyong katawan para bumilis ang metabolism ng iyong katawan.
Bukod dito, mapapalakas din ng fats ang iyong immune system. Ang mga saturated fats na mula sa butter, coconut oil at red palm oil ay nagtataglay ng fatty acids lauric at myristic acid. Ang mga ito’y anti-microbial, anti-viral at anti-fungal na siyang pumapatay ng bacteria gaya ng candida yeast.