^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (82)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PAKANTA-KANTA pa nga si Tatiana habang patawid na sa San Juanico Bridge. “I’m walking on sunshine...ye-ye. It makes me feel good!”

Sa kabilang isla naman siya ng tulay patungo, dina-drive pa rin ang top-down sport car ng motoristang nagnasa sa kanya.

Ayaw niyang ma-trace sa kanyang possession ang kotse.

Itinabi niya ito sa roadside. Parang expert driver si Tatiana kahit pa noon lang nakaranas magpatakbo ng sasakyan.

Sa tulong ng magical power, unti-unti niyang pinalitan ang kulay ng sports car; mula sa blue ginawa itong pula.

Pinalitan din niya ang chassis number. Iba na sa nakaw na sasakyang minamaneho niya.

Sa market place napagawi ang sasakyan ni Tatiana. Bigla ay parang batang naaliw siya sa lugar at mga tao.

Para na naman pagkabait-bait ng babaing nangangain ng kahit ano.

May naamoy siyang nilulutong pagkain sa ka­rinderya sa palengke. Ipinark niya ang sasakyan.

Pumasok siya sa pamilihang bayan, natunton agad ang nagluluto ng lugaw at batsoy at adobong baboy.

Kakain siya ng tatlong putaheng iyon, naipasya ni Tatiana. Uubusin niya, sagad na naman ang gutom.

Napansin niyang napapatingin ang mga tao, tila may kinakapa sa alaala ang mga ito.

Matalas ang babaing kalaban ng tao. Naunawaang kailangan na naman niyang magpalit ng anyo.

Pero sino naman kaya ang kanyang hihiraman ng mukha sa pagkakataong ito? Mukha naman kaya ng isang lalaki?

Sinong lalaki?

Nakita niya ang malaking poster ng boxer sa harap  ng kainan ng palengke. Binasa niya ang ngalan ng makisig na boksingero.

“Manny Pacquiao.”

Ilang sandali pa ay nasa ibang katauhan na si Tatiana. Siya na ang pambansang kamao.

“Eeee! Binisita tayo ni Pacman!”

(Itutuloy)

AYAW

BIGLA

BINASA

BINISITA

EEEE

NIYA

SAN JUANICO BRIDGE

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with