Last Part
Mayaman ang prutas na ito sa fructose, bitamina C, B1, at B2, potassium, magnesium, thiamin, copper, niacin, folate, iron, riboflavin, at dietary fiber upang maging isang napakamasustansiyang prutas. Kilala rin ito sa pagpoproseso ng guyabano sa mga candies, jam, jelly, preserves, tarts, shakes, ice cream, sorbetes at iba pang beverages.
Marami ang naniniwala na ang guyabano ay isang kagilagilalas na prutas hindi lang dahil sa prutas nito bagkus dahil din sa iba’t ibang parte ng puno nito na may healing properties kagaya ng katawan, dahon, ugat, at ang mga buto.
Ang pinulbos na buto ng guyabano ay napag-alaman na puwedeng gamitin bilang gamitin pang purga, pesticide laban sa mga higad, army worms at leafhoppers.
Mayroon din tranquilizing at sedative properties ang dahon nito. Ginagamit din ito bilang gamot sa kirot at pamamaga na sanhi arthritis at rheumatism. Maaari rin itong gamitin gamot sa eczema, iba pang sakit sa balat at pampababa ng lagnat. Ang sapal ng murang dahon ng guyabano ay maaaring itapal sa mukha na may tagihiyawat. Ang dinurog na dahon ay ginagamit sa balat upang maiwasan ang peklat na dulot ng skin eruption. Pinakukuluan din ang dahon nito upang gawing tsaa para makatulog ng maayos.