^

Para Malibang

Guyabano ‘wonder fruit’?

BODY PAX - Pang-masa

Last Part

Mayaman ang prutas na ito sa fructose, bitamina C, B1, at B2, potassium, magnesium, thiamin, copper, niacin, folate, iron, riboflavin, at dietary fiber upang maging isang napakamasustansiyang prutas. Kilala rin ito sa pagpoproseso ng  guyabano sa mga candies, jam, jelly, preserves, tarts, shakes, ice cream, sorbetes at iba pang  beverages.

Marami ang naniniwala na ang guyabano ay isang kagilagilalas na prutas hindi lang dahil sa prutas nito bagkus dahil din sa iba’t ibang parte ng puno nito na may healing properties kagaya ng katawan, dahon, ugat, at ang mga buto.

Ang pinulbos na buto ng guyabano ay napag-alaman na puwedeng gamitin bilang gamitin pang purga, pesticide laban sa mga higad, army worms at leafhoppers.

Mayroon din tranquilizing at sedative properties ang dahon nito. Ginagamit din ito bilang gamot sa kirot at pamamaga na sanhi arthritis at rheumatism. Maaari rin itong gamitin gamot sa eczema, iba pang sakit sa balat at pampababa ng lagnat. Ang sapal ng murang dahon ng guyabano ay maaaring itapal sa mukha na may tagihiyawat. Ang dinurog na dahon ay ginagamit sa balat upang maiwasan ang peklat na dulot ng skin eruption. Pinakukuluan din ang dahon nito upang gawing tsaa para makatulog ng maayos.

DAHON

DIN

GINAGAMIT

KILALA

LAST PART

MAAARI

MARAMI

MAYAMAN

MAYROON

PINAKUKULUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with