8 Senyales na ikaw ay buntis

Sa tingin mo ba, buntis ka na?

Hindi ka pa naman sigurado pero mayroon nang nararamdaman o napapansin na kakaiba.

Nagbago ang iyong energy level, mood o ang iyong “dibdib” na para kang may pre-menstrual syndrome.

Nauna na nating natalakay ang ibang signs ng pagbubuntis, ito ay ang sensitive na boobs, pakiramdam ay parang laging pagod, nahihilo at nagsusuka.

Narito ang ibang senyales na ikaw ay buntis ayon sa webmd.com

Sensitibo sa mga amoy - Mapapansin na magiging maselan ang iyong ilong sa mga naamoy. Magiging maselan ka rin sa mga kinakain.

Ito ay dahil mas nagiging sensitive na ang sense of smell. Kung okay lang ang amoy ng isang bagay dati ay magiging nakakasuka na ito kapag buntis na.

Nag-iiba rin ang panlasa ng nagbubuntis na hindi mawala-wala -  Magiging pihikan sa pagkain kaya ipinapayong uminom ng prenatal vitamins para masigurong mayroong nutrients at folic acid na makukuha ang sanggol para maiwasan ang birth defects.

Uminom din lagi ng tubig para hindi madehydrate. Pagtagal-tagal ng pagbubuntis ay mawawala rin ito.

Laging naiihi - Ang kidney ay nagpo-produce ng maraming ihi kapag nagbubuntis. At dahil lumalaki ang sinapupunan, nagkakaroon ng pressure sa pantog.

Dahil dito, panay ang punta sa comfort room. Dahil madalas maihi, ang ibang babae na hindi pa alam na sila ay buntis ay nag-aakalang mayroon silang problema sa pag-ihi o kaya ay kidney o bladder problem.

Medyo nakakayamot ang pag-ihi sa disoras ng gabi kaya lang hindi solusyon ang pagbabawas ng pag-inom ng liquid dahil mas kailangan ng extra fluids para may sapat na tubig sa katawan na kailangan ng nagbubuntis. ITUTULOY

             

Show comments