8 Senyales na ikaw ay buntis

Sa tingin mo ba, buntis ka na? Hindi ka pa naman sigurado pero may iba ka nang nararamdaman o napapansin. Nagbago ang iyong energy level, mood o ang iyong ‘dibdib na para kang may pre menstrual syndrome. Narito ang iba pang senyales na ikaw ay buntis ayon sa webmd.com

Nahihilo - May mga babaeng parang laging lumulutang ang pakiramdam o nahihilo kapag nagbubuntis. Ang iba ay hinihimatay pa. Puwedeng ito ay dahil sa hormones o dahil sa mababang blood pressure ayon sa mga doctor. Kung ganito ang nararamdaman, ipinapayong magpatingin sa pinagkakatiwalaang doctor upang mapayuhan. Pagkatapos ng unang trimester ay bubuti ang pakiramdam.

Nagsusuka - Ang pagsusuka ay maagang mararamdaman pero ang matinding pagkahilo at pagsusuka ay mararamdaman pagdating ng ika-7-9 linggo. Ayon sa mga doctor, ang madalas na pagkain ng protein-rich meals ay makakatulong para makontrol ang ‘di maintindihang nararamdaman sa iyong tyan. Makakatulong din ang madalas na pag-inom ng tubig. Mainam din ang pag-inom ng mga tya-a lalo na ang mint tea na nakakatulong para mawala ang pagkahilo pero puwedeng magkaroon ng pagkahingal  kaya hinay-hinay lang. Ipinapayo rin na kumain ng kaunti bago matulog tulad ng maliit na hiwa ng keso, nuts  at iba pa para maging steady ang blood sugar at hindi magising sa alanganing oras ng gabi dahil masama ang pakiramdam. Ang pagsusuka ay pangkaraniwang nawawala makalipas ang 12 weeks ng pagbubuntis pero mayroong iba na umaabot ng 16 linggo at mayroon ding iba na hindi talaga nawawala. (Itutuloy)

 

Show comments