Hinahabol ng mga ‘Invisible’

Panaginip: Tumatakbo ako dahil may humahabol sa akin. Wala akong nakikita pero nararamdaman kong palapit nang palapit sa akin ang taong humahabol sa akin. Sumigaw ako para matakot ang sinumang gustong  manakit sa akin. Nagising ang mga kasambahay ko sa malakas kong sigaw.---Cressie

Interpretation: Mas madalas managinip na hinahabol ang mga babae kaysa mga lalaki. Ito ay mula sa takot ng mga babae na baka sila’y ma-rape o ang katotohanang mas matatakutin sila kaysa mga lalaki. Nag-uugat din ang ganitong klase ng panaginip sa mga nababasa o napapanood na balita tungkol sa mga krimen na nangyayari sa ating paligid. Tumatanim sa iyong isipan ang napanood o nabasa bago matulog kaya dinala mo ito hanggang sa iyong panaginip.

Show comments