‘Aphrodisiac Myth’ Last Part
Napag-usapan na natin ang tungkol sa mga aphrodisiacs na pagkain.
Maraming pagkain na pinaniniwalaang pampataas ng libido ang isinailalim sa siyensiya upang mapatunayan kung totoo ngang nakaka-stimulate ito. Narito ang iba pang pagkaing inurirat kung totoo ngang mayroon itong physical effect o akala lang natin na may epekto talaga.
Pakwan- Ipinapalagay na ang pakwan ay isa ring aphrodisiac food. Ang pang-summer na pagkaing ito ay may citrulline, isang nutrient na nagpapa-relax ng blood vessels sa buong katawan body na siya ring ginagawa ng Viagra sa ibabang bahagi ng ating katawan, ayon sa Texas A&M researchers. Ang 4-ounce serving ng pakwan ay may 150 milligrams ng citrulline, ngunit hindi pa natutukoy ng mga researchers kung gaano karaming pakwan ang dapat kainin para ma-stimulate ang sexual appetite. Kung susubukan, pigain ang pakwan; ang sapal ay may 60% more citrulline kaysa sa prutas.
Phallic o Vaginal Foods - Ang mga staple foods na bananas, avocados, strawberries ay maaaring walang epekto sa ating katawan para ma-stimulate sexually ngunit maaari itong magbigay ng idea tungkol sa sex kaya nagiging malikot ang ating isipan, ayon kayUniversity of Michigan neuroscientist Kent Berridge.
Bakit hindi na lang gamitin ang iyong mga daliri at isubo sa partner ang pagkain? Medyo hipuin ang kanyang mga labi. Di ba sensual na sensual ang dating?
Alcohol - Ang alak ay nagiging depressant sa cerebral cortex ng ating brain na nagpapababa ng inhibitions na posibleng pumigil sa arousal. Kung masosobrahan ng inom, di malayong magkamali sa iyong pagdedesisyon, ayon sa 2007 study na inilathala sa Journal of Studies on Alcohol and Drugs.
Para madagdagan ang dahilan para tumigil sa pag-inom, natuklasan sa isang research sa University of Washington na ang mga lalaking nakainom na may blood alcohol levels na 0.8 to 0.10 percent (mga dalawa o tatlong beer o tagay) ay mababa ang “peak erection levels.” (source: www.menshealth.com)
- Latest