^

Para Malibang

‘Puppy Love’

Pang-masa

IDAING MO KAY VANEZZA

Dear Vanezza,

Tawagin nyo na lang akong Renzo, 22. May gf po ako na 15 years old. Sa umpisa pa lang ay lagi niyang sinasabi sa akin na crush niya ako. Second year high school pa lang siya. Puwede ba ka­ming magkatuluyan habang siya ay nag-aaral pa? Kasi po parang malabo maging kami dahil medyo matanda ako sa kanya. Pero mahal po namin ang isa’t isa. Lagi kaming nagkikita at nag-uusap. Tama ba na umibig ako sa kanya ng lubos? Kaya ako nagkagusto sa kanya ay dahil talagang crush daw niya ako at mabait naman po siya. Totoo po ba na mahal niya ako at tama po ba na umibig ako sa kanya? Hindi kaya siya magbago sa akin pagdating ng panahon?

Dear Renzo,

Napakabata pa ng gf mo at posibleng crush lang talaga ang nadarama n’ya para sa iyo tulad ng kanyang sinasabi. Panahon lang din ang makapagsasabi kung kayo ang magkakatuluyan. Depende pa yan kung wala sa inyo ang magbabago ng damdamin. Kaya maghintay ka hanggang sa mahinog ang bunga. May kasabihang ang pinahinog sa pilit ay mapait. Huwag mo munang isipin sa ngayon na magkatuluyan kayo dahil maa­ring ang nararamdaman ninyo ngayon ay magbago sa paglipas ng panahon lalo’t may makikilala kayong iba. Pagtapusin mo muna siya ng pag-aaral at saka ninyo planuhin ang kinabukasan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

DEAR RENZO

DEAR VANEZZA

HUWAG

KASI

KAYA

LAGI

NAPAKABATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with