Siya ang gumagastos sa date nila ng bf

Dear Vanezza,

Ako po si Kae, 24. May boyfriend po ako. Wala naman po akong mairereklamo sa relasyon namin, maliban sa isang bagay. Ako po ang palaging gumagastos. Noong una po, pinalalampas ko na lang. Pero napapansin ko, parang hinahayaan niya lang na ako palagi ang taya. Palagi rin po siyang nagpapa-load sa akin. Sagot ko rin po ang pang-sine namin. Kapag kumakain sa labas, ako pa rin ang taya. Katuwiran niya po palagi, wala siyang pera.  Mahal ko naman po siya, pero parang hindi naman yata tama na babae ang palaging gumagastos di po ba? Ano po ang dapat kong gawin? Hahayaan ko na lang po ba?

Dear Kae,

Sa isang pangkaraniwang relasyon, dapat give and take. Hindi give and give o kaya naman ay take and take. Mabuting kausapin mo siya ng masinsinan ukol sa ganitong bagay. Huwag mong hayaan na palagi na lamang ikaw ang gumagastos. Hindi magandang senyales yan. Paano na lang kung siya ang nakatuluyan mo? Pag-isipan mong mabuti.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments