Mayroon ka bang ‘binabalak’ gawin mamayang gabi?
Narito ang ilang tip mula sa webMD.com kung paano mo mai-stimulate ang limang sense para sa iyong binabalak na romantic evening.
SIGHT. Kailangang maging romantiko ang iyong venue. Siguraduhing malinis at maayos ang kuwarto. Magsindi ng kandila. Kung gusto mo ng medyo OA, maglagay ng mga rose petals sa kama. Kung maghahain ng food, piliin ang mga pagkain na sa unang tingin pa lang ay ‘sex’ na ang maiisip.
Ikonsidera ang color at shape gayundin ang texture at taste.
Ang kulay ng sex ay pula kaya gumamit ng pulang punda, kurtina, kobre kama at iba pa.
SOUND. I-set ang mood sa pamamagitan ng romantikong tugtugin. Puwedeng magpatugtog ng piano concertos, steamy jazz kahit CD ng mga tunog ng alon sa dagat.
Pero mas romantiko kung boses mo ang maririnig niya kaya bakit di mo subukang i-express ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng pagkanta.
SMELL. Mas magiging romantic ang mood kung magsisindi ng scented candles. Maglagay ng potpourri. Pero sa panahon ngayon, may mabibili nang air fresheners. Puwede na rin yun. Iwasan ang mga maamoy na pagkain. Lalo na ang bawang at sibuyas.TOUCH. Maraming paraan para magamit ang sense of touch, Puwedeng sa pagkain—subukan ang finger foods.
Gumamit din ng mga bagay na malambot sa balat. Malambot na kumot at punda. Malambot na towel. Malambot na rug.
Pero siyempre ang no. 1 sa lahat ay ang aktuwal na paghipo o paghawak sa partner. Subukan ang massage. Para mas mastimulate, gumamit ng scented oil o cream.
TASTE. Maghain ng mga pagkain na maaring makapag-stimulate ng inyong taste buds. Kaunti lang ang ihain para hindi masobrahan. Ang sobrang maanghang na pagkain ay maaaring makasama kaya dapat ay sakto lang ang anghang. Puwede ring maghain ng matatamis na pagkain tulad ng cake o chocolate pero siguraduhing hindi ito masyadong matamis. Dapat ay sakto lang.
Ang purpose ay lalong matakam kapag natikman ang pagkain. Kaya dapat mag-ingat sa pagpili ng pagkaing ihahain.