Kumain ng masustansiyang gulay

Kung ayaw mong kumain ng gulay, hindi ito tama dahil napakara­ming benepisyong makukuha mo sa mga ito gaya ng mga sumusunod na uri ng gulay:

Bataw – Kilala rin bilang bean pod, mayaman sa folate kaya nakatutulong para maiwasan ang stroke. Mahusay din itong pagkunan ng manganese at potassium.

Patani – Minsan napagkakamalan din itong bataw, mabuti naman itong kainin ng mga anemic dahil sa taglay na riboflavin na nakakatulong sa produksiyon ng red blood cells. Nagtataglay din ito ng niacin at phosphorus  na tumutulong para mas mapalakas at mapadami ang good cholesterol sa katawan at mapatibay ang buto at ngipin.

Kundol – Tinatawag din itong winter melon at kilalang gamot sa kidney at pampatanggal ng bulate. Kapag niluto ang buto nito at sinamahan ng gatas, nakakatulong ito para magkaroon ng sapat na sperm count ang lalaki.

Patola – Sa English ito ay “luffa”. Mahusay pagkunan ng vitamin A, E, C at potassium.

Upo – Sinisipsip nito ang cholesterol sa iyong katawan dahil sa taglay na vitamin C, A at potassium.

 

Show comments