NAGPULASAN, lumabas mula sa Room 109 ng motel ang libu-libong dagang bubuwit.
Yanig na yanig ang dalawang tauhan ng motel, nasagasaan sila ng mga bubuwit.
“IIYAAHH!”
“SAKLOLOOO!”
Tawa nang tawa si Tatiana, aliw na aliw sa ginawang eksena ng mga bubuwit. “Ha-ha-ha-haa!”
Si Tatiana ay sumunod sa mga bubuwit sa pasilyo ng motel.
Walang pakialam ang babaing alien na siya’y walang damit; nakabuyangyang sa mundo ang kahubaran.
Kumalat sa iba’t ibang motel room at kapaligiran ang mga bubuwit. Nataranta ang mga tauhan—sa gate, sa kitchen, sa laundry area.
Bumungad na sa labas ng gate si Tatiana, hubo’t hubad pa rin—naaaliw na pinagpipistahan siya ng mga kalalakihan; walang pakialam na naiiskandalo ang kababaihan.
Klik-klik-klikk. Kaydaming motorists at mga passersby ang kumuha sa naked image ni Tatiana. Karamihan gamit ang kanilang mga celfone.
Hindi araw-araw na may napakagandang babaing kusang nagtatalop sa daan. Collectors’ item na ito, alam nila.
“Tweeet!” sipol ni Tatiana.
Saglit pa’y nagsunuran sa kanya ang napakaraming bubuwit. Hawig ito sa eksena ng klasikong kasaysayan ng The Pied Piper.
Kundi pa nainitan nang husto sa pagkakabilad sa tirik nang araw, hindi pa sana maiisipan ni Tatiana na magtakip ng katawan.
Isang magandang babae ang hinubaran ni Tatiana ng suot na damit. Iyon ang isinuot ng babaing alien.
Naiwan ang inalisan ng damit na naka-bra at panties na lamang, nagsisisigaw, umiiyak. “Eeee! Hu-hu-huuu!” (Itutuloy)