Gusto mo bang manatiling bata sa iyong edad? May mga paraan na mapanatili na maging mas bata sa inyong anyo na hindi na nangangailangang gumastos ng malaki at gumamit ng chemical treatments sa iyong balat. Naririto ang simpleng pamamaraan upang mapanatiling maayos at masmukhang bata ang iyong balat:
1. Huminto sa paninigarilyo
Ang paninigarilyo ang pinakamalalang ginagawa upang masira ang iyong balat. Ginagawa nitong matanda sa iyong edad ang balat, pagda-dry, mga spot na nakikita sa matatanda at nakakadagdag ng wringkles na karaniwan sa mukha na makikita sa paligid ng mata at labi. Sa paninigarilyo ay napipigilan nito ang oxygen at nutrients na nagdudulot ng malaking pinsala sa iyong balat. May 4,000 na kemikal na makikita sa tabako na wala man lang ni isa na nakapagdudulot na maganda sa iyong balat.
Kung nais na makita ang pagkakaiba ng hindi naninigarilyo sa naninigarilyo ay sa pamamagitan ng kanilang mga balat na higit na masbata ang hindi naninigarilyo kumpara sa naninigarilyo.
2. Uminom ng tubig
Kailangan ng moisture ng balat upang mapanatili ang malusog na balat. Ito rin ay tumutulong upang maiwas sa mga body toxins. Uminom ng walong baso ng tubig araw-araw upang maging malusog ang iyong balat
3. Kumain ng mayaman sa Omega-3 Fatty Acids
Malaking tulong sa balat ang Omega-3 fatty acids sa pagpapanatiling malusog at maiwasan ang pagiging dry ng balat. Hindi lang sa pagpapanatiling malusog ng balat ang maaaring makuha sa pagkain ng mayaman sa Omega-3 fatty acids ito rin ay pumipigil sa mga sakit katulad ng sakit sa puso at nakakapagpatalas ng utak. Kapag ikaw ay dry ang balat maaaring sinyales ito ng kakulangan sa omega-3 sa iyong mga kinakain.
Maaaring makakuha ng omega 3 sa pagkain ng isda kagaya ng tuna at salmon. May mga pagkain din bukod sa isda na mayaman din sa omega 3 kagaya ng buto ng kalabasa, soybeans at walnut na masarap din naman at madaling mahanap sa mga supermarket.