Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba  na pito sa sampung  may-bahay sa Amerika ay gumagamit ng kandila? Karamihan sa kanila ay 1-3 beses gumagamit ng kandila sa loob ng isang linggo at tatlong oras itong nakasindi. Siyam naman sa sampung gumagamit madalas ng kandila ay nagsasabing nagsisindi lang sila ng kandila kung gusto lang nilang gawing sosyal ang kanilang kuwarto o loob ng bahay. Mas madalas gamitin ang kandila sa sala  kung saan 42%  ng gumagamit ng kandila ay dito nagsisindi, 18% sa kusina at 13% sa kuwarto.

Show comments