Ang babaing kinakain ang lahat (48)

NATATAWA ang mga guwapong binatang kausap ni Tatiana. Hindi mapaniwalaan ang binigay na ngalan ng dalagang maganda.

 “Really, ang name mo ay Bangekngek?” tanong ni Giorgio.

“Nagpapatawa ka lang, di ba?” tanong ng isa pang guwapo.

Ngumiti si Tatiana, naaaliw. “Tawagin n’yo na lang akong Bangs,  okay? Anyway what’s in a name?” 

 Hindi na naghangad ang mga guwapo na alamin ang tunay na pangalan ni Tatiana. Okay na sa kanila na ito ay si Bangs.

“Bangs, can we go out tonight?” bulong agad ni Giorgio.

Hindi naman nagdalawang-isip si Tatiana. “Okay, Giorgio”.

 “Pupuntahan kita saktong alas-siyete ”.

“No, Giorgio, ako ang pupunta sa iyo. Sabihin mo kung saan kita pipikapin mamayang gabi.”

Nagkatinginan ang mga guwapo. Ibang klase ang pamangkin ng boss nilang si Almario.

“Okay, Bangs, sa tapat na lang ng Irish Grocer. Ako ang manager doon sa gabi”.  Simpleng magyabang ang binata.

Palihim na inamoy ni Tatiana ang katawan ni Giorgio. Nagustuhan niya ang  kakaibang bango ng binatang makaka-date.

Napalunok ang babaing kinakain ang lahat, nakadama ng gutom.

Pero alam ni Tatiana na hindi siya dapat makitang kumakain sa publikong lugar. Titiisin muna niya ang kalam ng sikmura.

“See you tonight then, Giorgio”.

“Hey, Bangs, paano naman ako? Gusto rin kitang maka-date,” sabi ng isa pang guwapo, si Russel”.

Simple ang sagot ni Tatiana. “May bukas pa”.

Nabuhayan ng loob si Russel. “Thanks. Aasahan ko ‘yan, Bangs”.

“Puwede n’yo rin akong tawagin sa aking petname, guys”.

“Ano ba ang petname mo?”  sabay na tanong nina Giorgio at Russel.

“Bangus!”  pabirong sagot ni Tatiana, super-corny.  (ITUTULOY)

Show comments