Kagaya ng panonood ng konsiyerto, malimit na pagbiyahe, paggamit ng earphone na maaaring maging dahilan ng tinnitus. Kapag ang tinnitus ay nawala at ang normal na pandinig ay nagbalik, ito ay tinatawag na temporary threshold shift. May permanenteng pinsala na delikado sa hair cells sa loob ng tenga na maaaring nagmula sa noise trauma, kaya importanteng umiwas sa pinsala na dulot ng noise exposure.
Sa mga taong umiinon ng mataas na dosage ng aspirin ay maaaring dumanas ng tinnitus na mawawala kapag huminto sa pag-inom ng aspirin. Karaniwang ito ay panandalian lang na pagkawala ng pandinig. May mga iba pang medications na kilala na sanhi ng tinnitus. Maaaring maging sanhi rin ng tinnitus ay ang pagkakaroon ng nakabarang tutuli dahil nagdudulot din ito ng pansamantalang pagkawala ng pandinig. Inuugnay ito sa paghina ng pandinig dulot ng Meniere’s disease. Kaya kailangang masuri kung ano ang pinagmulan ng tinnitus at malaman ang tamang gamutan.
Karamihan sa tinnitus ay nagmumula sa pinsala sa kaloob-loban ng tenga, kagaya ng cochlea. Maaari ring magmula ang pinsala sa nerve sa pagitan ng tenga at utak (8th nerve, tinatawag na vestibular nerve); pinsala sa brainstem. Pulsatile tinnitus (tinnitus na nagbe-beats sa pulso) na sanhi ng aneurysms, pagtaas ng pressure sa ulo (hydrocephalus), at pagtigas ng arteries. Anumang pagtaas ng agos ng dugo katulad ng hyperthyroidism, malabnaw na dugo (katulad ng anemia), liku-likong vessels ay maaaring maging sanhi ng pulsatile tinnitus. Kakulangan sa vitamin B12 ay karaniwang sanhi ng tinnitus. (Itutuloy)