Gingivitis
Last Part
Ang paggamot ng gum disease ay hindi lamang nakukuha sa iisang treatment. Pagkatapos malinis ang ngipin at gilagid, kailangan ng maintenance sa pamamagitan ng madalas na pagbisita sa dentista. Ang dentista ang makakapagsabi kung gaano karaming session ang kailangan mo upang masuring mabuti kung magaling na o hindi pa. Kapag magaling na ang sakit sa gilagid, patuloy pa rin ang regular Oral Prophylaxis upang maiwasan na bumalik. Kung hindi naman mawala ang pamamaga ng gilagid kahit ito ay malinis na at halos wala ng plaque at dumi, maaaring iba na ang dahilan ng pamamaga. Maaaring mangailangan na ng mga gamot katulad ng antibiotic at special mouthwashes. Maaari ring suriing mabuti ng dentista dahil baka may kinalaman na sa pangkabuuang kalusugan ang dahilan nito kung kaya’t ito’y hindi gumagaling. Siguraduhing sabihin sa dentista ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalusugan, katulad ng mga gamot na iniinom at kung meron sakit na iniinda.
- Latest