Maraming pressure na nararanasan ang tao, maaaring stress ka sa pag-aalaga ng iyong mga anak, mga gawain sa bahay, busy sa trabaho, kaya kahit ayaw mong mapunta sa isang buhay na maituturing na “sex free zone” ay hindi mo pa rin maiiwasan. Narito ang ilang dahilan para hindi mo kaligtaan ang pakikipag-sex araw-araw:
Magandang ehersisyo – Ang pakikipag-make-love ang pinakamahusay na aktibidad na hindi dapat kalimutan. Ayon sa mga eksperto, ang pakikipag-sex ng 30-minuto ay nakakapag-burn ng 85 calories. Bukod dito, mabuti rin ang pakikipag-sex sa iyong puso at pinagaganda ang daloy ng iyong dugo.
‘Beauty potion’ – Hindi mo na kailangan pa na magpa-parlor, gumastos at bumili ng pampaganda. Ayon sa mga bagong pag-aaral, ang sex ay isang natural paraan upang gumanda at maituturing itong ‘natural make-up’. Kapag mayroong 15-minutong pakikipag-sex araw-araw, mapapansin mong natural na mamula-mula ang iyong pisngi, ang iyong labi’y magkukulay pink at magmumukhang malambot at malaman at ang iyong balat ay magkakaroon ng natural glow. Ito ay dahil sa magkakaroon ng maayos na daloy ng dugo ang iyong katawan. Inililigtas ka rin ng sex sa mabilis na pagtanda.
Nakakapagpataas ng kumpiyansa – Ayon sa mga bagong pag-aaral, mahalaga ang sex para magkaroon ng mataas na kumpiyansa sa sarili. Lumalabas pa na kapag laging nakikipag-sex, nagkakaroon ng magandang pakiramdam sa sarili kaya naman nadadagdagan ang tiwala mo sa iyong sarili na ikaw ay may abilidad na gawin ang lahat ng bagay. Bukod dito, ang sex ang pinaka-epektibong paraan upang mapanatili mo ang iyong koneksiyon sa iyong partner. (Itutuloy)