Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang busina ng mga sasakyan sa America  ay  lahat nasa key of  F? Lahat ng papel ay hindi mo maaaring maitupi ng pitong beses.  Ang “Wrigley’s gum”  ang kauna-unahang produkto na gumamit ng bar code.  Ang pla­netang Venus ang nag-iisang planeta na umiikot ng “clockwise” o baliktad ng ikot sa relo. “Aglets”  ang tawag sa dulong plastic ng sintas. Mayroong anim na daliri sa  paa ang sikat na singer na si Marilyn Monroe. Malaki ang takot ni Walt Disney sa maliliit na daga. Natutunaw ang perlas sa suka. Mula sa kalawakan, makikita na ang Las Vegas, Nevada ang pinakamaliwanag na lugar. Mansanas at hindi kape ang mahusay na pampagising. Ang unang may-ari ng  kompanyang Marlboro ay namatay sa sakit na lung cancer. Ang pinakamatagal na negosyo sa America ay ang cymbal company na “Zildjian” na itinatag noong 1623 sa Contantinople. Mayroong siyam na tao na nakalista sa whitepages.com na may apelyidong “Beef”. Mas maraming nauubos na baka tuwing Memorial Day sa America  kumpara sa Hulyo 4 at Labor Day.

Show comments