UMIIYAK si Sofia, labis na nababahala. “Kasali mo ako sa krimen na ginawa mo kay Manong Emong…
“Dalawa na tayong magdurusa sa Impiyerno!
“Hindi tayo mapapatawad ni Lord! Hindi ka dapat ipina-nganak sa mundo ng tao, Tatiana!”
Nagtaas naman ng kilay ang anak ng alien. “Hindi nga po ako sakop ng tinatawag mong Diyos, Mommy.
“Meron kaming sariling Diyos, na pinakamakapangyarihan sa lahat ng Diyoses sa buong uniberso”.
Umiling si Sofia, lalong bumalong ang luha. Ayaw na niyang makipagtalo sa anak. Magkaiba ang kanilang isipan. Parang Langit at Lupa; gabi at araw; North and south; asin at asukal.
Merong nahagip ang mga mata ni Tatiana. Naglaway ito, biglang nakadama ng matinding uhaw.
Imported wines ni Almario, nasa mini-bar.
Si Sofia ay nakahiga sa kama, nakapikit; pilit nais makatulog, kalimutan ang ‘bangungot’.
Isang long-neck ang kinuha ni Tatiana sa wine collection ng ama-amahan. Kaydaling nabuksan iyon. POP!
Bottoms up. Inubos ang laman sa isang tunggaan. GLUG-GLUGG-GLUUGG.
Nanatiling nakapikit si Sofia. Ayaw niyang pansinin ang naririnig.
NGAALOT. KRAAAK. KILIINK.
Nginalot na ni Tatiana ang basyong bote ng alak; sarap na sarap ang alien woman. (Itutuloy)