May secret admirer

Dear Vanezza,

Nakatanggap ako ng 12 red roses pero hindi naglagay ng pangalan ang nagpadala nito sa akin. Ang nakalagay na note, isa siyang tagahanga at mananatiling lihim ang kanyang identity dahil alam niyang may bf na ako. Naging sentro tuloy ako ng tuksuhan sa opisina namin dahil nga sa “secret admirer” ko. Sa palagay mo, dapat ko bang kilalanin ang taong ito na nakapagbigay sa akin ng pala­isipan sa nakalipas na mga araw? Ang sabi ng bf ko ‘wag ko na raw alamin kung sino ito dahil ayaw na ngang magpakilala. Pero curious talaga ako kung sino siya dahil kuntento na lang siya na sarilinin ang damdamin niya. Tama po ba ang payo ng bf ko? Magseselos kaya siya kung ipilit ko pa ring kilalanin ang taong ito? - Cita

Dear Cita,

May karapatan kang alamin kung sino ang taong ito. Pero kung ito naman ang pagmumulan ng “away” ninyo ng nobyo mo, mabuti siguro kung ipagwalang-bahala mo na lang. Sigurado namang lalabas din ang lalaking ito kung talagang matindi ang pagkagusto niya sayo. Pero kung gusto mo talaga siyang kila­lanin, sarilinin mo na lamang ang paghahanap sa kanya at huwag nang ipaalam pa ito sa iba para hindi naman ma-offend ang bf  mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments