Pampahaba ng buhay ni lolo’t lola Last Part

7. Umiwas sa skin cancer. Kapag nagkakaedad ang balat natin ay numinipis at nagiging dry. Ang mga kulubot sa balat ay lumalabas at ang mga hiwa at pasa ay matagal gumaling.  Tiyaking protektado ang balat mula sa sikat ng araw. Ang sobrang sikat ng araw at ultraviolet rays ay makakapagdulot ng skin cancer.

8. Regular na magpadentista, magpa-checkup sa paningin at pandinig. Ang ngipin at gilagid ay tatagal habang buhay kapag ito ay naaalagaan ng tama, magsepilyo, gumamit ng floss araw-araw at regular na bisitahin ang dentista. Sa edad na 50, ay narara daman ang pagbabago sa paningin kasama na ang pagbaba ng abilidad na makita at mabasa ang maliliit na letra at maliliit na bagay. Ang karaniwang problema sa mata ay katarata at glaucoma. Nawawala o humihina ang pangdinig kapag nagkakaedad dahil sa exposure sa ingay.

9. Stress management. Subukang mag-exercise o kaya mag-relax—katulad ng meditation o yoga. Magkaroon ng oras sa mga kaibigan, social contacts at paglilibang.

10. Sex. Kapag pinag-uusapan ang sex sa nagkakaedad ay nagiging matamlay na , ang edad ay hindi hadlang. Huwag limitahan ang sarile sa pakikipag sex at gawin itong masayang gawain. Kung may pagbabago man sa piskal na aspeto marapat na sumangguni sa mga espesya­lista upang mapayuhan at maging maligaya ang sex life kahit na nagkakaedad na.

 

Show comments