Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na kilala lang sa pangalang “Imhotep”  ang umano’y kauna-unahang doctor  sa mundo? Siya ay isang Egyptian na nabuhay noong 2650BC.  Siya rin ay tagapayo ni King Zoser ng Ehipto hinggil sa gamot.  Isang libro kung paano gamutin ang sugat, nabaliang buto at maging ng sakit na tumor, ang kanyang na­ging kontribusyon sa medisina. Si Imhotep ay isa rin astrologer o taong naniniwala sa sinasabi ng mga bituin at planeta at  arkitekto na nagdedesenyo ng mga pyramid noong u­nang panahon sa Ehipto. Nang lumaon, isa na si Imhotep sa mga sinasamba sa Egypt.

Show comments