“HINDI na ako mag-aalalang masugatan ko ang labi ni Dexter habang kami ay naghahalikan nang matagal, Mommy.
“Protektado na kasi ako na aking perfect pustiso.” Mahaba ang paliwanag ni Tatiana alias ‘Luna’.
“Oo, Tatiana, anak. Pero ‘yung pustiso ni Manong Emong, ibabalik mo d’un sa matanda, di ba?”
“Okay, Mommy. Papasukin mo po rito, ako ang maglalagay mismo sa bibig niya. Masyado na ‘tong maluwag, hihigpitan ko po.”
Sinamahan ni Sofia sa loob ng silid ni Tatiana ang matandang lalaki.
“Aba, maganda pala ‘tong pamangkin mo, Sofia! Manang-mana sa iyo!” nakangising sabi ni Manong Emong.
Nagbait-baitan naman si Tatiana. “Thank you po”. Siya ang nag-fit sa pustiso, sa bibig ng matanda “Aba, tamang-tama na ang sikip!” natutuwang sabi ni Manong Emong. “Hindi na ito hahagis kahit maghatsing ako!”
Merong nag-doorbell sa gate, nilabas ito ni Sofia. Naiwan si Manong Emong sa presencia ni Tatiana. “Manong Emong, am’ bangu-bango mo po! Alam kong... napakasarap mong kainin.”
Natawa ang manong. “He-he... may katas pa ba ako, ineng? Sabagay, macho pa ako. Puwedeng-puwede pa!”
Inalis muna ni Tatiana ang kanyang pustiso. Inilitaw ang matutulis na ngipin at pangil.
Saka mabilis na sinagpang ni Tatiana ang matanda, sa leeg. SWAKK.
Isinunod na ang pagngalot sa ulo at mga kamay. Tuluy-tuloy nang kinain ang walang kalaban-labang matanda.
“PWAAH!” Merong iniwasang kainin si Tatiana, iniluwa nang buo.
Ang dalawang binti ni Manong Emong—na parehong may gangrene!
“Hindi ako kumakain ng nabubulok!”
(Itutuloy)