^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (38)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINDI na ako mag-aalalang masugatan ko ang labi ni Dexter  habang kami ay naghahalikan nang matagal, Mommy.

“Protektado na kasi ako na aking perfect pustiso.”  Mahaba  ang paliwanag ni Tatiana alias  ‘Luna’.

“Oo,  Tatiana, anak. Pero ‘yung pustiso ni Manong Emong, ibabalik mo d’un sa matanda,  di ba?”

“Okay, Mommy.  Papasukin mo po rito, ako ang maglalagay mismo sa bibig niya.  Masyado na  ‘tong maluwag, hihigpitan ko po.”

Sinamahan ni Sofia sa loob ng silid ni Tatiana ang matandang lalaki.

“Aba, maganda pala ‘tong pamangkin mo,  Sofia!  Manang-mana sa iyo!” nakangising  sabi ni Manong Emong.

Nagbait-baitan naman si Tatiana.  “Thank you po”.  Siya ang nag-fit sa pustiso, sa bibig ng matanda   “Aba,  tamang-tama na ang sikip!”  natutuwang  sabi ni Manong  Emong. “Hindi na ito hahagis kahit maghatsing ako!”

Merong nag-doorbell sa gate, nilabas ito ni Sofia. Naiwan si Manong Emong sa presencia ni Tatiana.  “Manong Emong, am’ bangu-bango mo po!  Alam kong... napakasarap mong kainin.”

Natawa  ang manong. “He-he... may katas pa ba ako, ineng?  Sabagay, macho pa ako. Puwedeng-puwede pa!”

Inalis muna ni Tatiana ang kanyang pustiso. Inilitaw ang matutulis na ngipin at pangil.

Saka  mabilis na sinagpang ni Tatiana ang matanda, sa leeg. SWAKK.

Isinunod na ang pagngalot sa ulo at mga kamay. Tuluy-tuloy nang kinain ang walang kalaban-labang matanda.

“PWAAH!”  Merong iniwasang  kainin si Tatiana, iniluwa nang buo.

Ang dalawang binti ni Manong Emong—na parehong may gangrene!

“Hindi ako kumakain ng nabubulok!”

(Itutuloy)

 

AKO

ALAM

EMONG

INALIS

MANONG

MANONG EMONG

MERONG

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with