Malaking bahagi ng mga kinakain ay nakakaapekto sa immune system, kaya piliin ang mga masusustansiyang pagkain, lalo na ‘yung mayaman sa antioxidants gaya ng mga prutas. Ang mga berries ay tinukoy na magandang mapagkukunan ng immune system booster. Kasama din dito ang strawberries, grapes,oranges, mga mansanas at kiwi.
Ang mga pagkain na may soya ay sinasabing nakakatuong din para mapalakas ang immune system. Maganda rin para sa immune system ang legumes at mga mani, may fiber din ang mga ito na mainam para sa disgestive system. Tandaan din na ang pagdaragdag ng bawang sa diet ay maganda, lalo na para sa puso. Dahil sa ang sustansiyang mula sa bawang ay nagsisilbing proteksiyon laban sa mga heart diseases. Ang mga gulay gaya ng spinach, broccoli, carrots, cabbage at cauliflower ay maganda rin ang dulot sa katawan.
Maaaring ikonsidera ang mga suplementong may omega 3 fatty acid o kumain ng mga pagkain na mayaman nito. Pinoproteksiyonan ng omega-3 ang katawan laban sa mga viruses at mga sakit kaugnay sa immune system. Ang omega-3 ay isang natural na paraan para matulungan na mapatatag ang immune system. Taglay nito ang polyunsaturated fats na nagpapalusog sa immune system.