Lucky Color Per Day (3)

Malalaman mo ang number energy na na­ngingibabaw sa isang araw sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng kasalukuyang petsa: Halimbawa: October 15, 2014 = 10 + 15 + 20 + 14 = 57 = 14 = 5. Kaya sa bukas, October 15 ay energy ng number 5 ang mangingibabaw. Upang suwertehin, sundin ang good luck color sa araw na ito

Day 5 . Lucky Color ay Turquoise

Ito ang araw na madalas mangyari ang mga hindi inaasahan. Kaya lumabas ng bahay at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.  Magsuot ng kulay turquoise upang maging malikhain at maging bukas ang isipan sa katotohanan ng buhay. 
Day 6 . Lucky Color ay Blue

Kung tambak ang iyong trabaho na may kinalaman sa charity, fund-raising, volunteer work o anumang pagtulong sa mga kapus-palad, gawin ito sa Day 6. Siguradong matatapos  mo ang trabaho gaano man ito karami. Six is a day of love. Magsuot ng blue upang maakit mo ang love energy.
Itutuloy

 

Show comments