^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (31)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 HABANG kausap ni Sofia sa salas ang paboritong inaanak na si Dexter, lihim na nakamasid si Tatiana.

At kinikilig ang puso ng dalagang taga-ibang planeta.

 “Napakaguwapo ni Dexter! I like him a lot!” sa loob-loob ni Tatiana.

At dinig ng dalagang kinakain ang lahat  ang usapan ng magninang.

“Nabalitaan po ni Mommy na nanganak daw kayo...”

Hindi nakapagkaila ni Sofia. “A, kuwan, oo, Dexter. Pero ipinasyal ng kapatid ko”.

Napakamot ng batok ang mahiyaing binata. “Sayang, ninang. Nais pa namang makita ni Mommy  kahit sa picture. Kukunan ko sana.”

“Wrong timing, Dexter, baka next time na lang”.

Ngumiti ang edukadong binata.

“Ano na nga ang natapos mong kurso sa college, Dexter?”

“Ninang, I finished a special course na tungkol sa Nature Preservation and Protection po. Nagtatrabaho ho ako ngayon sa gobyerno.

“Tinatawag akong Protector,” mahabang paliwanag ni Dexter.

Tatangu-tango lang si Sofia. May pagmamalaki sa kanyang puso na ang inaanak ay nagkaroon ng kapakipakinabang na puwesto sa mundo.

SI TATIANA ay naiintriga. Akalain ba niyang ang guwapong binata na like na like niya ay kakontra pala!

“Well, well, kukunin kita sa aking charm, Dexter!” bulong ni Tatiana sa sarili. “Gagamitan kita ng aking magical spell!”

“SIGE po, Ninang, aalis na muna ako. Ano po pala ang name ng baby ninyo?”

Napalunok si Sofia. Sa mata nga pala ng mga kakilala, ang anak niya ay baby pa.

“Kuwan, Tatiana ang pangalan. Nabinyagan na, malusog naman”.  Ilang sandali pa ay palabas na ng gate si Dexter. Nakatanaw si Tatiana sa bintana, kinikilig habang nakatingin kay Dexter.

Nagpahatid nga ng magical power kay Dexter habang ang binata ay nasa gate.

TWIIIIT. Sipol ito ni Tatiana na para sa pandinig lamang ng binata.

Natigilan si Dexter, napalingon. Nakita sa bintana si Tatiana.

 Bigla ay kinilig ang puso ni Dexter, kasing tindi ng kilig na nadarama ni Tatiana! Kailangang makilala ni Dexter ang dalaga! (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AKALAIN

ANO

BIGLA

DEXTER

GAGAMITAN

NATURE PRESERVATION AND PROTECTION

NINANG

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with