Ang babaing kinakain ang lahat (29)

EWAN kung paanong nalaman ni Tatiana ang tono ng ‘Aawitan Kita’. Ito ang tune ng kanyang kinakanta habang nagluluto ng napakaraming adobong baboy sa malaking kawa.

“...Uubusin kitaa...kakainin  kitaa... adobong masarap...sunod ay sinigang....”

Kahit papaano ay nalulugod si Sofia sa anak na taga-ibang planeta. At least daw, hindi puro graba ang kakainin nito.

Bale ba ay hindi magastos ang anak. Mula sa isang kilong baboy, nakapagpaparami ito ng pork meat kahit ilang kilo.

Walang bayad, of course.

Ang enterprising mind tuloy ni Sofia ay nagaganyak nang magnegosyo—sa tulong ng magical power ni Tatiana.

Para pala lagi siyang may time na mabantayan sa bahay si Tatiana, naiisip ni Sofia na magtinda ng pork tosino, pork empanada  giniling at kung anu-ano pang meat product mula sa baboy.

“Why not?” tanong ni Sofia sa sarili. Posibleng yayaman pa sila ng husband na si Almario.

“Mommy, luto naaa!” sigaw ni Tatiana mula sa likod-bahay.

“Anooo? Wala pang 10 minutes ay nakaluto ka na?” Hindi makapaniwala si Sofia. Tila walang katapusan ang powers ng anak na kinakain ang lahat.

Sa kawa mismo, on the spot, nilantakan ni Tatiana ang bagong lutong adobo at sinigang na baboy.

 Kay-ingay na naman ng bibig niya, sound effect ng maganang pagnguya. Ngasab. Nguya. Lulon.

“Anak, baka ka mabulunan...”

“Hindi uso sa aming planeta ang nabubulunan, Mommy. We love eating everything nang tuluy-tuloy sa tiyan!”

“Tirhan mo naman kami ng Daddy Almario mo,” lambing ni Sofia.

Nagtira naman si Tatiana nang dalawang mangkok na ulam.

BURRP.  Muli, dumighay nang malakas ang babaing super-takaw.

May matagal nang nais itanong ni Sofia sa  wirdong dalaga.

“Anak, kuwan ba—eversince isilang ka, hindi ka pa nagpopopo.”

Natawa si Tatiana. “Hindi uso sa lahi namin ang pumopopo!”

“Oh my God! Grabe ang lahi mo, anak!”

(ITUTULOY)

Show comments