Binaril sila ng Madrasta

Panaginip: Lumalangoy kaming mag-ama nang bigla kaming lapitan ng aking stepmother at pinagbabaril kami hanggang sa mamatay. In rea­lity, hindi ko kasundo ang aking stepmother kaya natatakot akong magkatotoo ‘yun. – Miss Chrox

Interpretation: May parte sa inyong buhay na mag-ama ang parang “nawala” simula nang duma­ting sa inyong buhay ang iyong madrasta. Halimbawa, noon ay regular kayong nagbo-bonding na mag-ama every Sunday. Pero hindi na ngayon dahil nariyan na si Madrasta. Nagbago na ang priorities ng iyong ama, hindi na ikaw ang inuuna kundi si Madrasta.

Show comments