May mga pagkakataon na masyadong mababa ang iyong emosyon at dumarating ka sa panahon na nais mong umiyak at mapag-isa. May mga tao naman na halos ayaw patuluin ang luha mula sa kanyang mga mata dahil marahil sa iba, ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan at pagsuko. Pero sa totoo lang, maraming hindi nakakaalam na maraming makukuhang benepisyo sa pag-iyak gaya ng mga sumusunod:
Mas lilinaw ang iyong mga mata – Literal na pinalilinaw ng luha ang iyong mga mata dahil nililinis nito ang iyong eyeballs at eyelids at ang panunuyo ng mga ugat sa iyong mata.
Pumapatay ng bacteria – Hindi mo na kailangan pa ng antibacterial eye drop, dahil mismong ang luhang lumalabas sa iyong mga bata ang mag-aalis ng bacteria dito. Nilalabanan din ng luha ang mga bacteria na nakukuha ng mata mula sa computers, pera at iba pang mga bagay na pinagmumulan ng germs patungo sa iyong mga mata. Nagtataglay kasi ng lysozyme ang luha kaya 90-95% ay napapatay nito ang germs sa bata sa loob lang ng 5-10 minuto.
Nag-aalis ng toxins – Ayon sa pag-aaral ng Biochemist na si William Frey, ang luha bunsod ng depresyon at pagdadalamhati ay nagtatag-lay ng maraming toxic kumpara sa iyak na ang dahilan lang ay ang pagkairita gaya ng pagbabalat ng sibuyas. Kaya naman nagsisilbing natural therapy ang pag-iyak.
Nagpapagaan ng pakiramdam – Ang pagka-expose masyado sa manganese ay nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa tao kaya naman nagreresulta ito ng pagkabalisa, pagkakaroon ng nerbiyos, irritable, fatigue at iba pang emotional disturbance. Pero, may solusyon na rito, umiyak ka lang at tiyak na bababa ang manganese level mo at gaganda ang iyong pakiramdam kahit ano pa ang naging pinagdaanan mo. (mula sa www.beliefnet.com)