Naging Taga-Linis sa LRT station

Panaginip: Nililinis ko ang loob ng tren sa LRT station. Sa sobrang dami ng alikabok sa sahig, gumamit ako ng vacuum. May nakita akong isang pasahero na hindi gumagalaw sa pagkakaupo sa tren. Nang lapitan ko ay manager ko pala. Manager ko siya in waking life. Kaya pala hindi gumagalaw ay frozen ang buong katawan niya. – Marvin of Caloocan

Interpretation: Magkakapera ka at ito ay mula sa isang malaking kompanya. Ang tren ay sinisimbolo ng malaking kompanya samantalang ang alikabok ay pera. Magkakasakit ang boss mo sa nalalapit na araw. Iyon ang ibig sabihin na nagyelo ang buo niyang katawan.

Show comments