Sino ang pipiliin?

Dear Vanezza,

Ako po si Ayssa, 20 years old, IT student. Ang ideal bf ko po ay matalino at guwapo and if possible po sana mayaman. Sa ngayon ay may tatlo akong manliligaw. Ang isa ay matalino pero hindi masya- dong guwapo at ordinary ang pamilya, pero laging top sa klase. ‘Yung isa ay super guwapo kaya lang trouble maker at madalas absent sa klase. Physi- cally attracted ako sa kanya pero siyempre alam ko naman na wala akong mapapala sa guwapo nga ay iresponsable naman. Ang isa ay mayaman ang pamilya. Marunong din sa klase pero mukha ring responsable pero talagang hindi guwapo. Tulungan mo sana akong pumili. I will appreciate kung bibigyan mo ako ng some advice. Dear Ayssa,

Talagang we cannot have best of both worlds. Sa tatlong katangian na sinabi mo, masuwerte ka kung matagpuan mo ang lahat ng iyan sa iisang tao.

Wika nga, nobody is perfect. Sa pagpili ng lalaki, ‘wag ka lang tumingin sa itsura. Ang pinakamabu- ting criteria ay ‘yung lalaking mahal mo at kaya kang buhayin kasama ang magiging anak ninyo at higit sa lahat ay faithful. Tama ka rin sa pagru-rule out ‘nung manliligaw mong guwapo pero trouble maker. Bagaman posibleng magbago ang isang tao pagdating ng araw pero mahirap magbakasakali. Okay din ang manliligaw mo na hindi guwapo pero may kaya at medyo matalino pero importante rin ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung wala kang feelings at sasagutin mo siya dahil may kaya sa buhay ang pamilya, baka magsisi ka lang balang araw. Maganda ang katangian ‘nung una mong manliligaw na matalino pero hindi masyadong pogi. Ang dunong sa pag-aaral ay mahalaga para makapagtaguyod siya ng magandang future sa kanyang magiging pamilya. But again, timbangin mong mabuti ang feelings mo sa kanya at siguru- hing mahal mo siya hindi dahil sa kanyang status kundi dahil sa kabuuan ng kanyang pagkatao.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments