May mga panahon na ikaw ay malungkot at nakararanas ng depresyon sa hindi mo malamang dahilan. Ngunit minsan hindi mo alam na maaari mo naman itong agad solusyunan. Bakit hindi mo subukan na kumain ng mga tinatawag na “happiness food”? Narito ang ilang uri ng pagkaing ito:
Chocolate – Mahusay din na pantanggal lungkot ang pagkaing ito dahil sa mataas na level ng endorphin. Ito ang natural na pagkain ng utak na siyang magpapasaya sa’yo.
Protina – Hindi ka dapat ma-guilty sa pagkain ng mga pagkaing mataas sa protina. Ang amino acid na ‘tyrosine” ay kilala sa produksiyon ng “norepinephrine” at “epinephrine” na siyang magpapalakas ng iyong alertness at energy level. Kumain ka ng isda, itlog, karne, keso at uminom ng gatas. Maging ang mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay nagdudulot ng “good hormone” na tinatawag na serotonin. Sa pag-aaral lumalabas na kaya minsan nakakaramdam ng depresyon ang isang taong nagda-diet ay dahil sa biglaang pagbaba ng carbohydrates sa kanyang katawan at nagreresulta rin ito ng pagkawala ng serotonin. Kaya kung nagda-diet ka at bigla kang nalungkot, kumain agad ng kanin, cereal, tinapay, saging, mansanas at peras. Tiyak na muli kang magiging masaya.
Caffeine – Ang mga pagkain at inumin na may sangkap na caffeine gaya ng kape at tea ay makakatulong sa’yo dahil nagtataglay ito ng antidepressant na siyang kayang sumugpo sa mild depression na iyong nararamdaman.