^

Para Malibang

Mahilig ka ba sa tsismis?

Pang-masa

Last part

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo iiwasan ang tsismis sa loob at labas ng lugar na iyong kinabibilangan. Bagama’t minsan ay may naidudulot itong mabuti sa tao dahil nakakakuha ng ilang impormasyon, ngunit hindi rin naman dapat paniwalaan lahat dahil kaya nga tinawag na tsismis, mas malaki ang porsiyento na hindi totoo ang mga bagay na nakapaloob dito.

Mamili ng mga kaibigan o sinasamahan – Dahil sa talaga naman nakakatuksong sumama sa mga tsismoso/tsismosa, mas mabuting piliin mo na lang ang mga taong iyong sasamahan, kakaibiganin at pakikinggan habang nagpapalipas ka ng oras. Maghanap ka na lang ng taong kapupulutan mo ng aral at tutulong sa’yo na paunlarin pa ang iyong sarili kaysa sumama sa mga taong walang ibang sasabihin sa’yo kundi ang kasiraan ng buhay ng ibang tao.

Tandaan mo, ang isang taong walang ibang pinagkakalibangan kundi ang itsismis ang kanyang kapwa ay taong “insecure” at walang magawa sa buhay kundi abangan ang mangyayari sa buhay ng iba. Bakit siya “insecure”? Kasi akala nila “bida” na sila kapag nagsasalita sila ng mga pangit na bagay laban sa iba. Naghahanap din sila ng atensiyon ng kanilang kapwa kaya naghahanap sila ng “topic” na ibibida niya sa iba para lumabas na siya ay  magaling. Bakit? Kasi walang ibang gustong kumausap sa taong tsismoso/tsismosa  kung wala rin naman siyang sisiraan. Dapat mo din isipin na hindi ka yayaman o aangat ang buhay kung puro pakikipag-tsismisan ang iyong gagawin sa buhay. Mas mabuti pang magbanat ng buto, para mas may marating sa buhay at maitaguyod ang pamilya.

BAGAMA

BAKIT

BUHAY

DAHIL

DAPAT

KASI

MAGHANAP

MAMILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with