Alam n’yo ba na ang papaya ay orihinal na nagmula sa Mexico at karatig bansa nito sa Central America? Ang “meat tenderizer” o pampalambot ng karne ay gawa mula sa katas ng papaya na tinatawag na “papain”. Noong unang panahon ginagamit naman na pampalambot ng karne ang papaya juice. Ang pinakamalaking pancake ay ginawa noong 1999, Nakakuha sa nasabing pancake ng 71,233 at nakakain nito ang 40,000 tao. Noong nakaraang taon, nakabenta ang mga groceries sa America ng 1.3 milyong pasta. Kung pagdudugtung-dugtungin ito mababalutan nito ang buong Ekuador ng mundo.