Pampalayas ng Malas

Gawin ang spell kapag korteng letter C ang buwan. Ito ay nangyayari pagkatapos ng full moon patungo sa new moon. Mga kailangan: Kapirasong papel, ballpen, isang itim na kandila, posporo.

Isulat mo ang mga bagay na gusto mong mawala sa iyong buhay. Halimbawa: kamalasan sa paghahanap ng trabaho; kamalasan sa pag-ibig, etc.

Sindihan at itirik ang itim na kandila. Pagkatapos ay basahin ang mga sumusunod ng siyam na beses: “Lord and Lady I call upon you to banish (banggitin ang sitwasyong gusto mong  mawala o magwakas). May it never return to me. Please grant my wish and make my life lucky again.

Kapag nangangalahati na ang kandila ay kunin mo ito at lumabas ka ng bahay bitbit ang sulat mong ginawa sa procedure no.1. Pag-ingatan mong huwag mamatay ang sindi ng itim na kandila. Sunugin ang sulat at hayaang ang abo nito ay liparin ng hangin.

 

Show comments