^

Para Malibang

Naunsiyaming pag-ibig

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Edad 18 ng unang tumibok ang aking puso at lihim na nagmahal sa isang kapitbahay. Ang una at huling pagkakataon ko siyang nakausap ay nang minsan sabayan ko siya sa pagpasok. Dyahe lang dahil siya ang nagbayad ng pamasahe ko. Inunahan niya kasi ako. Marahil naisip niyang estudyante lang ako habang siya ay nagtatrabaho na. Matagal ko na siyang gustong ligawan, pero naunahan ako ng hiya. Nakuntento na lang ako sa pagtanaw sa kanya kapag paalis o papasok na ng kanilang gate. Pakaway-kaway na lang. Hanggang sa hindi ko na siya nakikita. Hindi ko napigilan ang magtanong at nalaman ko na dumating daw ang nobyo niya at sila’y ikinasal na. Nasa abroad na sila ngayon. Dahil sa pagkabigo, nagwala ako. Natuto akong bumarkada hanggang makulong dahil sa droga. Salamat na lang sa mga magulang ko na sumagip sa akin sa tiyak na pagkasira ng aking kinabukasan. Ngayon po ay nagtatrabaho na ako. Magmamahal pa kaya ako gaya ng iniukol ko sa kanya? May magmamahal din kaya sa akin? - Jeemi

Dear Jeemi,

Una mo siyang pag-ibig kaya hindi mo siya malimot kahit pa hindi ka nakapagtapat sa kanya ng damdamin. Magagawa mo rin siyang makalimutan kapag nakatagpo ka ng kahalintulad niya. Pero Nasa sa iyo ang lahat na pagkakataon para makahanap ng iba na mamahalin mo at magmamahal sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DAHIL

DEAR JEEMI

DEAR VANEZZA

DYAHE

EDAD

HANGGANG

INUNAHAN

PERO NASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with