Kulay sa bawat direksiyon (2)

Nagdudulot ng magandang kapalaran ang paggamit ng tamang kulay sa iba’t ibang bahagi ng inyong bahay. Ang paggamit ng kulay ay puwedeng iaplay sa paintings, kurtina, pintura ng wall, carpet, tiles, cushion, etc. Compass ang kailangan para malaman ang iba’t ibang direksiyon.

Southeast - Green ang kulay na gagamitin dito upang lalong maging malikhain ang mga nakatira sa bahay at maging magaan ang daloy ng pera papasok sa tahanan.

Southwest - Ito ang direksiyon na kapag pinagyaman ay susuwertehin ang mga nakatira sa lovelife o pakikipagrelasyon niya sa kanyang kapwa. Dilaw, pula at brown ang magdadala ng suwerte sa Southwest. Ilaw, lamp at crystal na may kulay na nabanggit ang magandang gamiting pangdispley. Sa mga dalaga o binatang naghahanap ng mapapangasawa, magdispley sa direksiyong ito ng dalawang mandarin duck o anumang bagay na magkapartner kagaya ng ikinakasal, dalawang puso, magkaparehang lovebirds. Itutuloy

 

 

 

 

 

 

 

 

Show comments