‘Sex flush’

Pansinin mo ang iyong balat kapag nakikipag-sex. Namumula-mula ka ba kapag nakikipag-sex?

Huwag mag-alala. Epekto lang ito ng pagtaas ng daloy ng dugo at temperatura ng balat.

Pansinin mo rin ang iyong temperatura. Kapag naa-arouse, para kang nilalagnat. Puwedeng mamu­la ang iyong pisngi na tinatawag na ‘sex flush.’

Puwede ring mamula ang iyong dibdib, genital area o ang iyong buong katawan. Ang iba ay nag-aalala na baka nagkaroon ng kung anong allergy sa kung anong bagay. Maaaring maisip na allergic ka sa iyong partner, sa bigote, pawis o maging sa kanyang semen. O di kaya sa kung anumang ginagamit niyang lotion o pabango.

Hindi dapat mag-alala dahil natural na bahagi lang ito ng sexual arousal. Mawawala rin ito kapag ‘tapos’ na kayo at normal na ang inyong pakiramdam.

Show comments