Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Delo, 30 years old. Ang problema ko po sa edad kong ito ay wala pa rin akong asawa. Nagkaroon na ako ng 2 gf. Ang unang nobya ko ay tumagal kami ng 3 years, pero nagkahiwalay din dahil hindi kami compatible. Ang pangalawa ay 2 taon, pero nasayang lang dahil may mga bagay din kaming hindi pinagkasunduan. Bakit po kaya mailap sa akin ang pag-ibig? Sa edad ko ba ay matanda na ako at dapat ng mag-asawa?
Dear Delo,
Hindi ka pa matanda sa edad mo. Isa pa, hindi inaapura ang pag-aasawa. Lalaki man o babae, ang mariage ay isang kabanata sa buhay na dapat pag-isipang mabuti bago pasukin. Kasi, future ng tao ang nakataya diyan kasama na ang future ng mga sanggol na isisilang. Siguro ay hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa ng mga dati mong nobya. Pasalamat ka na rin na lumitaw ang hindi ninyo pagkakasundo habang hindi pa kayo mag-asawa. Pero sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, matututunan nitong tanggapin ang kahinaan ng isa at handang mahalin siya sa kabila ng lahat. Sana’y makatagpo ka na ng babaeng para sa’yo.
Sumasaiyo,
Vanezza