Gamot sa mabahong paa(2)

Gumamit ng asin. Kapag sobra ang pamamawis ng paa, maglagay ng kalahating cup ng asin sa isang gallon ng tubig at haluin ito. Pagkatapos ibabad ang paa sa tubig na may asin at huwag hugasan, patuyuin lang.

Gumamit ng deodorant sa paa. Ang mga deo­dorant at antiperspirant na ginagamit sa kilikili ay puwedeng gamitin sa paa. Kahit ang mga deodorant ay may anti-bacterial agent pero hindi ito makakapahinto ng pagpapawis pero nakakaalis ito ng mabahong amoy sa paa. Sa paggamit naman ng antiperspirant ay napapahinto nito ang pagpapawis kasama na ang mabahong amoy nito.

Gumamit ng foot powder. Gumamit ng foot powder na mayroong sangkap na aluminum chloride hexahydrate.

 

Show comments