^

Para Malibang

Nanlamig sa bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Panganay ako sa tatlong magkakapatid. Nakatapos ako sa kolehiyo dahil sa masigasig na pagtataguyod ng a­king mga magulang. Kaya bilang pasasalamat sa aking mga magulang, inako ko ang obligasyon ng pagpapaaral sa sumunod sa akin. May trabaho na ako ng magkaroon ako ng bf. Nagtanan kami pero saka ko pa lang natuklasan na waiter siya at gaya ko ay inaasahan din siya ng kanyang pamilya sa pagpapa-aral sa mga kapatid niya. Kaya naman dama ko na hindi pabor ang kanyang pamilya nang ipakilala niya ako sa kanila. Na-guilty ako sa ginawa niya. Kaya nagpasya akong umuwi at humingi ng tawad sa aking mga magulang. Humingi rin ako ng isa pang pagkakataon sa aking boss at tinanggap akong muli sa trabaho. Malapit ng makatapos ang aking kapatid ngayon. May komunikasyon pa rin kami ng nobyo ko pero parang nag-iba na  ang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko na bang putulin ang lahat sa amin? - Neng

Dear Neng,

Kahit nagkamali ka noong una, nagawa mo namang maitama ang direksiyon ng buhay mo para matupad ang isang obligasyon sa pamilya. Nasa iyo ang pagpapasya kung dapat mo nang kalimutan ang nobyo mo. Kung wala ka nang nararamdaman sa kanya, tapatin mo na siya at humanap ka na lang ng iba na inaakala mong higit na makapagpapaligaya sa iyo. Ang pag-ibig malimit ay kumukupas kung hindi naaalagaan.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DEAR NENG

DEAR VANEZZA

HUMINGI

KAHIT

KAILANGAN

KAYA

MALAPIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with