Alam n’yo ba na ang salitang “robot” ay inimbeto ni Karel Capek mula sa salitang Czech/ Slovak na “Robotovat” na ang ibig sabihin ay nagtatrabaho ng husto. Ang ibig sabihin ng salitang “karate” ay walang laman na kamay. Ang salitang “girl” o babae ay isang beses lang nabanggit sa Biblia. Ang salitang “honeymoon” ay mula sa mga Babylonian. Noong unang panahon sa Babylonia, opisyal na inumin ng mga ikinakasal ang wine na ang flavor ay honey. Dahil dito, obligado ang mga magulang ng babaeng ikakasal na suplayan ng wine ang magiging groom ng kanilang anak sa loob ng isang buwan, kaya naman tinatawag nila itong “honey month” na kalaunan ay naging honeymoon na.