^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (56)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

LUHAAN ngang nagmakaawa si Miranda sa multo ni ‘Padre Tililing’. “Maniwala ka,  Carlo, ikamamatay ko kapag lumayo ka ...hindi ko na kayang mag-isa sa pagdurusa.”

Napailing ang mabait na multo. Pakiramdam ay para na silang sirang plaka ng smuggling queen, paulit-ulit sa isang linya—hindi makatuluy-tuloy.

“Miranda, hindi ka mag-iisa kung bibigyan mo ng tsansang magkabalikan kayo ni Simon. Hindi ka niya tinangkang patayin noon, dala lang iyon ng selos. Nagkaroon lang siya noon ng temporary insanity o panandaliang kabaliwan,” mahabang paliwanag ni Carlo a.k.a. ‘Tililing’.

Iiling-iling si Miranda. “Ikaw nga ang mahal ko, Carlo.”

“Ako ay multo, never mong maging normal na asawa. Si Simon ay taong buhay, kayang magpadama ng pisikal na pagmamahal. Kayang kalungin ang inyong magiging baby...”

“Hu-hu-hu-huuu.” Pagluha ang naging tugon ni Miranda.

Hinaplos siya ni ‘Padre’ sa buhok at sa pisngi, banayad na banayad.

“Hinihingi ng pagkakataon na bigyan mo ng chance na lumaki ang inyong anak na buo ang pamilya, Miranda.”

    Itinaas ni Miranda ang dalawang kamay—hands up—suko na sa anumang mangyayari.

Gayunma’y naalalang itanong ang isang nakaiintrigang isyu. “Carlo, akala ko ba’y hindi mo magawang lumayo sa akin kaya ka sunod nang sunod...?”

“Hindi naman nagbabago ang pagnanais kong lagi kang subaybayan, Miranda. Nananatiling mahal kita. Kaso ay nakasasagasa na ako ng normal na buhay mo.

“Isa pa, may ibang bagay akong dapat su­baybayan...”

“Ibang...babae, Carlo?” Sumalit ang selos ni Miranda.

Umiling ang multo. “Nanganganib ang buhay ni Simon, Miranda. Binihag siya ng mga tero­ristang nais dumukot sa iyo.”  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

BINIHAG

GAYUNMA

HINAPLOS

HINIHINGI

HU

MIRANDA

PADRE TILILING

SI SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with