Tanong: Bakit ho kaya lagi akong hirap sa buhay? Nakatapos ako ng kolehiyo at may kasalukuyang trabaho. Pero kahit anong gawin naming pagsisikap na mag-asawa ay parang hirap kami sa buhay. Destiny ba ito? May paraan po ba para magbago naman ang takbo ng aming buhay? Huwag na lang po ilathala ang aking e-mail address.---Mrs. “D”.
Sagot: Kung ikaw ay masikap pero naghihirap pa rin sa buhay, sinasabing hindi balanse ang iyong navel chakra. Ito ay may kinalaman sa tantric yoga. Mahaba itong paliwanagan kaya ituturo ko na lang ang dapat gawin upang kontrahin ang bad effect ng hindi balanseng navel chakra. Ganito ang iyong gagawin upang akitin ninyo ang kasaganaan ng buhay:
Magsindi ng orange candle araw-araw. Ingat lang sa pagsisindi, baka naman sunog ang maranasan.
Dalasan ang pagsusuot ng orange na damit. Gumamit ng accessories na yari sa orange crystal/gemstone—amber, sunstone, chalcedony, jelly opal, carnelian, oxblood coral, etc.
Gumamit ng orange table cloth, kurtina, throw pillow, punda ng unan.
Ang orange color ay nakapagpapataas ng pag-asa sa buhay. Kung maganda ang mood, hindi mo namamalayang pati ang kasaganaan ay unti-unting dadaloy sa iyong buhay.